SALTY SINIGANG

Ring. Basa.Deadbat.

Tsk tsk. Walang silbi ang dala kong charger dahil nasa biyahe pa ako. Wala akong nagawa kundi ibunton ang sisi sa traffic. Bakit ba kasi laging ganito dito sa Pilipinas? At bakit nga ba ang mga Pinoy, kapag walang ibang mapaglabasan ng inis, ay sa traffic ibinubunton ang pagka-asar?!

Buhay. Nokia tune. Patay.

Pinilit kong buhayin ang telepono ko. Wala pa rin. Bumalik ang isip ko sa naantalang pagtetext. Ang simple at casual na text ni Kat.

“Hello. Gandang hapon.”

Ang maiksing text niya na alam kong magdamag akong hindi patutulugin kung hindi ko marereply-an. Si Kat kasi ang tipong minsan lang magtext. O siguro, madalang magtext o magreply sa akin. Alam ko namang lagi siyang may load. Typical kolehiyala na mahilig magtext.

Lagi ko siyang pinapadaanan ng mga “GM” ko. Mga “GM” na siya lang naman talaga ang nakaka-receive. Nakakahiyang aminin pero hindi ako nagpapawala ng load, kahit pa nga laging kapos ang allowance ko, dahil natatakot akong hindi mareplyan si Kat kapag nagtext siya. Ayokong sayangin ang chance na magkakatext kami dahil lang sa wala akong load.

Isip. Buntong-hininga. Tingin sa relo.

Pasado alas-otso na ako nakarating sa bahay. Sinalubong ako ng Inay; nagmano ako.

“Jeff, kumain ka na ba?” tanong niya.
“Hindi pa po, ‘Nay.”

Gutom na gutom na ako pero inuna ko ang paghahagilap ng charger sa backpack ko. Ayun! Nakita ko rin. Isang malutong na pakshet na naman! Ayaw pang magcharge ng prehistoric kong cellphone.

“Inay, pahiram pong cellphone. May topak po yung akin eh.”

Isip. Buntong hininga. Type.
Alas-otso kinse. Dalawang oras, tatlumpong minuto matapos kong mabasa ang text ni Kat, nakapagreply din ako. Sa wakas!

“Hello din, Kat! Sensya na, nalobat ako sa biyahe eh. Musta na?”
Dalawa. Lima. Sampung minuto na, wala pa ring sagot. Baka busy lang siya, giit ng isip ko. Pero alam ko, at sanay na ako, na itetext lang niya ako kapag wala na siyang makatext.

“Ok lang yun. Masaya ako. Ikaw? :)”

Eksaktong bente minutos akong nag-antay sa reply niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako kumakain. Malamig na ang tirang sinigang ng Inay para sa akin.

Isip. Buntong hininga. Type.

Inilista ko sa utak ko ang mga pwede naming pag-usapan. Lagi akong ganito. Nag-iisip ng mga itatanong. Pero palagi ring nasasayang ang pag-iisip ko, dahil palagi rin siyang hindi nagrereply matapos ang palitan namin ng ilang mensahe.

“Masaya din. Nagtext ka eh. haha. Bakit ka masaya?”

Dali-dali kong itinipa ang sagot ko, matapos akong magkaroon ng lakas ng loob na magpahaging ng nararamdaman. Minsan lang ako nagkakaroon ng lakas ng loob, kaya kailangang lubus-lubusin.

“Jeff talaga, nambola pa. Masaya ako kasi kami na… :)”

Isip. Buntong hininga.Patay ng cellphone.

Hindi ko alam ang ire-reply ko. Sa kauna-unahang pagkakataon, ako ang hindi nagreply. Alam ko naman na hindi niya mapapansin kung hindi man ako sumagot. Napakarami niyang katext, at ngayon nga, may espesyal na siyang kapalitan ng mensahe. Hindi na niya mapapansin ang pagkawala ng isang makulit na Jeff.

Isip. Buntong hininga. Kain.

Wala na si Kat. Taken na. HIndi ko man lang nasabi na gusto ko siya. Pakshet na buhay talaga. Natalo ako ng walang kalaban-laban. Mali. Mas tamang sabihin na natalo ako ng hidi man lang lumalaban.

Isip. Buntong hininga. Subo.

Naglaro sa aking isip ang sari-saring tanong. Ano kaya kung sinabi ko na lang? Ano kaya kung sinabi ko ang nararamdaman ko? Kami kaya ngayon kung sinabi ko? Kami kaya ngayon kung hindi ako naging torpe?

Isip. Buntong hininga. Subo.

Ang mga tanong ko ay nasundan ng maraming sana. Sana sinabi ko. At sana, hindi ako nanghihinayang ng ganito. Hindi ako sigurado kung may pag-asa ako kay Kat pero at least, pwede kong utuin ang sarili ko sa isang hangal na pakonswelo: lumaban ako, lamang lang talaga ang kalaban.

Isip. Buntong hininga. Subo.

Hindi ko na pinansin ang unti-unting pag-alat ng kanin na sinabawan ko ng lumamig nang sinigang…

 

*first posted on my Multiply site, jozah14.multiply.com :)

2 Users like this text
0 Users downloaded this Text
Amount of words: 749
Licence: Icon: Creative Common License - by-nc
 
 

Comments(7)

josa.salazar

josa.salazar (said 11 months ago)

lyka! haha. salamat.

uh, tama nga ikaw. hihih. salamat sa corection. ayun, na-edit ko na. thanks! :)

 
jlmagno

jlmagno (said 11 months ago)

Clap, clap, clap pala. (typo error)
:D

 
jlmagno

jlmagno (said 11 months ago)

Josa, hindi man tayo formally nagkakakilala pa...pero, I super love it! Promise. Kaya lang 'yung parte na "Ayun! Nakita ko din.", feeling ko dapat po "ko rin." 'yun. Tama ba? May rule na ganun po ata sa Filipino. Paki-correct na lang din po ako kung mali 'yung alam ko. Salamat! Super love ko talaga 'to. Kinilig ako at nalungkot. Cap, clap, clap.

 
josa.salazar

josa.salazar (said 12 months ago)

:) hello jazz. :)

 
insomniac

insomniac (said 12 months ago)

FB

 
josa.salazar

josa.salazar (said 12 months ago)

hahaha. saan mo siya unang nabasa? ;))

 
Lhaie

Lhaie (said 12 months ago)

.. I remember this..hehe;)

 
 

Uploaded by

josa.salazar
josa.salazar

(12 months ago)

 
Photo: 'The egg house'
Photo: 'even doors have stories'
Bg_toggle_default_words
 

What do you want to do?